visitor analyticsvisitor analytics

Salamat sa Pagbisita

Ang site na ito ay para sa tagalog na tula (poem). Ang mga nilalaman ng Blog na ito ay purong orihinal na gawa ng may akda. Ang mga imahe ay maaaring nanggaling sa mga open source na pinagkuhanan. Hindi inaangkin ng may akda ang ano mang imahe. Ano mang isyu hinggil sa mga post ay maaaring idulog sa page na ito. Maraming salamat.

CHECK IT!

Laro

(PAGLARUAN MO NANG LAHAT WAG LANG ANG AKING NARARAMDAMAN - game over)
Mula pa nong umpisa laro na sa atin ang lahat
Nagsimula tayo sa taguan
Taguan ng nararamdaman
Nagpapakiramdaman
Naghuhulihan
Nagsusulsulan
Hanggang sa magkaaminan
At tayo nga ay nagsimulang magmahalan
Siguro nagmahalan nga tayo
Masaya kang kalaro
Maloko, mabiro, madaya
Kasi sa tuwing mahuhuli na kita
Nakakatakas ka
Magaling ka...
Hanggang sa ang larong sinimulan natin sa taguan
Nauwi sa tulakan
Sakitan
Iyakan
Gusto ko noong humingi ng time first
Magpahinga kasama ka
Sabalit ayaw mo kaya...
Nagumpisa tayo ng habulan
Habulan na ako araw-araw ang taya
Lalayo ka
Hahabulin kita
Sa pag-asang mahuhuli kitang muli
Napagod lang ako
Nagkasugat-sugat sa pagkakadapa
Ang tuhod at siko
Sa huli'y umuwi akong lumuluha
Nang makita kitang
May kalaro nang iba.
Ang bilis naman
Tapos na pala tayo?
Kaya eto ako ngayon
Hinihintay na lang kitang umayaw sa kanya
Tapos laro ulit tayo ha
Tanga-tangahan naman...
Ako na lang ulit ang taya
Ako na lang ulit ang aasa
Ayos lang naman sa akin
Basta makalaro lang ulit kita