Lumakad akong
Hawak ang kamay
n’ya
Nakangiti,
Maligaya
Kumain akong
Siya ang kasalo
At hindi lang
tiyan ang nabusog
Pati ang puso
Tumawa ako’t
umawit
Na tila ba langit
Pinupuno ng inggit
Paligid na
nagngingitngit
Lumiham ako sa
kanya
Laman lahat ng
nadarama
Muntik ko nang
maipadala
Buti na lang aking
naalala
Imahinasyon nga
lang pala