Subalit nagpumilit
s’yang ako’y lisanin
Nakiusap akong
siya’y manatili
At pagbigyan pa
ako ng ilang sandal
Tumulo ang luha,
lumipad ang sandali
At ang natira sa
akin ay hapdi
Ang pandinig ko’y
paulit-ulit na binibingi
Ng pangako n’yang
minsan n’ya lang sinabi
“Ako’y magbabalik
sa takdang panahon”
Mga salitang sa
puso’y bumaon
Pangankong hindi
na lumaon
At tila hindi na
natugon
Lumipas na ang
ilang takip-silim
Tila nauupos na
ang naiwang saalimsim
Nilalamon ito ng
labis na panimdim
Ang pulang ningas
ay piƱata na ng dilim
At sa kanyang
pagbabalik ako’y nabalisa
Paano bubuhayin
pumanaw na pagsinta?
At nang iniabot
n’ya ang kanyang kamay
Tumalikod ako’t
iniwanan s’ya ng isang kaway