Normal
na sa tula ang tumula ng damdamin
Upang
ang kandado ng baul ay alisin
Kapag
nagkukumislap na yaong salamin
Tuwa
na ng tula ang syang sasapitin
Mga
tinaklubang kataga ng itim na tinta
Ang
nasa ng tula na iyong mabasa
Ilagpas
ang tingin sa puting pahina
Hayaang
basahin ng pikit ang mata
Kung
sasapitin man ng dustay na tula
Ang
siya’y dustayin pa’t tuluyang maaba
Sapat
na sa kanya ang umabot ka pa
Sa
puso niyang twina ay nasa sa paa
Kalasit,
siluin at saka wakasan
Patidin
ang lubid, kamay ay alpasan
Kapag
nagpumiglas damdaming masidhi
Magnanakaw
ito ng halik sa pisngi