Sa ulirat ko’y laging may naglalarong
liwanag ng lamparang lilo
Lumulunok ng lagok ng lugmok na himutok
ng putok ng butsing pinupukpok ng dagok
Sa mata ko’y may humahaplit
na hagupit ng pait na sinapit
na wangis ng pipit na naipit nang sumapit
ang
lupit ng batong itinalsik ng paltik
Sa puso ko’y may kumikirot
na animoy nagkakamot na surot
ng puot at bugnot na ‘di mabunot
sa bangungot ng utak nanuot
Umawit ako para mapaos….
Ang boses na taos sa pusong ginapos
ng unos na humugos sa bastos
na palos na binatikos ng mga busabos
Sakit lang ng lalamunan
ang nakamtan nang tonohan
yaong kantang walang palatunugan
dili kaya’y notang tutupaan
Patirin mo ang kwerdas ng gitara
at patigilin ang alpa; nakabibingi,
pati ang piping trumpeta at tambol na banga
na kinatasan ng luha ng paghanga
Ako’y alipin ng katotohanang
hango sa kasinungalingang pinipilit
paniwalaan kahit batid kong kamatayan
lamang ang masusumpungan
Sa koro ng awit ay nangawit
ang litid ng leeg na sinipit
ng sakal na walang dalit
subalit may bunton ng galit
Ayo’ko
nang umawit, ayo’ko ng tono
ng
oda na nilikha nang panahon ng g’yera
sa
trono ng Aberno at balisbis ng Cocito,
sa
tarangkahan ng mga lilo at demonyo
Ang
hirap maging makata,
kung
ang nasa mo’y ikanta ang tula na dustay
sa
mata ng pinag-alayang dalagang nagtamasa
rin
ng paghanga sa mata ng iba
Umawit
ako ng aking tula at humita
ng
dalita sa sarili kong
letra,
salita at tugma na nagtala
ng
dusa at mantsa sa puting pahina
Wala
man sa tono ang liriko
ng
pagka-uldog ko sa iyo
ay
ibayo ang pagsuyong naglalaro
sa
bawat hulo ng liriko na kinapausan ko
Ipag-adya
mo sana ang kalinsilan
na
bunga ng sakit na nararamdaman
ang
pait na sa aki’y ikinapit
ng
hagupit ng labtik ng putik sa langit
Kung
‘di mawatasan ang awitin kong ito,
itago
ang sikdo ng ulong umaso
sa
bugso ng hanging walang samyo
na
puno ng bolo ng pakpak ng paru-paro
Umawit
ako at napaos……
At
sa aking pagtatapos, nagapos ang signos
at
puntos na ikinatalo ng hiningang kinapos
at
lalamunang nagtamo ng galos
At
ang awitin ko ay dito
nagtatapos…….