Kung sasagutin mo ako,
Makamit ko kaya ay Oo?
O ang masaklap na hindi mo,
Na gugunaw sa aking mundo?
Magsasawala’t-wala
kaya ang mga rosas,
Tsokolate
at masasarap na prutas?
O
aani ng pag-ibig na wagas,
Na
sa luha ko’y lalagas?
Nagustuhan mo kaya ang tono ng
gitara,
Ang boses kong pinapalaki
sadya?
Sa tuwing nakadungaw ka sa
bintana,
At ako sa iyo’y humaharana?
Mapawi
kaya ang ngalay at sakit ng balikat,
Na
sa balde-baldeng tubig ay ipinagbuhat?
Maging
yaring aking likod,
Na
sa pagsisibak ay lubhang napagod?
Kinatutuwaan kaya ako ng iyong
mga magulang,
Sa tuwing sila’y aking
hinahat’dan,
Ng mga lutong ulam at mga
kakanin,
Upang ikaw ay ipakausap sa
akin?
Malakas,
mabilis ang kabog ng dibdib ko,
Sa
gabing ito kaya ay magkatotoo,
Ang
mithiing pinag-alayan ng bawat segundo
Ng
pagkadalagang sa iyo’y sumuyo?
Kung sasagutin mo ako sa gabing
ito,
Sana naman ang makamit ko ay OO.
Tingin ko nama’y sapat na ang
napatunayan ko,
Aking Rodolfo, tula mula kay
Rosa mo.