Pinipilt
kong palalimin at lumalim nga
Pinilit
kong hanguin at hindi ki nagawa
Hinayaan
ko’t nagningas na bigla
Tinakasan
ko pero di ako nakawala
Tinabunan
ko gamit ang lahat ng lakas
Subalit
mas nag-ibayo ang kanyang pag-aklas
At
ang tanikalang ginapos sa pagkapantas
Ay
tila laway ng bulkan na nag-alpas
Pinabaha
ko sa pag-asang ito’y maaanod
Pinalangoy hanggang sa ang bisig ay mapagod
Nanginginig
ang mata habang pinanunuod
Lamunin
nawa siya at tuluyang malunod
At
sa pagpikit ko pagkagat ng dilim
Tila
isang bangungot sa aki’y gumising
Kumikinang
sa dilim ang pangil niya’t ngipin
At
ako’y kasama nya sa pinagbaunang lalim.