Nanginginig
na ang tuhod ng pluma
Wangis
ni Pacquiao na nasapak sa mukha
At
nakababa na ang panangga
Hinihintay
na lang na mapatumba
Nagkanlalagas
na rin ang dahon
At
sa bakuran mo sila nagkalat
Mahaba-haba
na rin panahon
Mula
ng magwalis sa tapat
Naiiga
na ang batis, ilog at lawa
Nagkukong
mamatay mga ulupong at isda
Tanging
mga lumot na lang ang natitira
Ang
lambat at bingwit ay nakahalumbaba
Kay
lamig-lamig ng bawat tag-araw
Hinihintay
na lamang ang aming pagpanaw
Ang
kahapon ay nililingos, dinadalaw
Huling
higop na ba ng mapait na sabaw?