Datapwa’t
lagpasan ang tingin ay saliwat pa rin
Sa
dapat na makita ng kanyang tanawin
Ang
aninong noo’y nagtatago sa dilim
Ng
silid na nagkukubli sa kaibang lagim
Sa
sulok ay may boses, sa boses ay may at-at
Sa
bawat gibik ng paghikbit lahat
Ay
ang luha nyang pumapatak
Kasabay
sa pag-agos ng hinagpis na dumadanak.
At
kung nanasahin mong pagningasin ang lampara
Sa
silid na kubkob ng haraya’t hiwaga
Subukan
mo na ring tanggalan ng seda
Na
nakatabing sa debuhong ninita
Hanggang
sa pumutok ang bukang-liwayway
Ang
hiwaga’y mangalat at maghiwa-hiwalay
Sya
naming tulo ng iyong panis na laway
Kailan
mahuhubdan ang utak na luray.