visitor analyticsvisitor analytics

Salamat sa Pagbisita

Ang site na ito ay para sa tagalog na tula (poem). Ang mga nilalaman ng Blog na ito ay purong orihinal na gawa ng may akda. Ang mga imahe ay maaaring nanggaling sa mga open source na pinagkuhanan. Hindi inaangkin ng may akda ang ano mang imahe. Ano mang isyu hinggil sa mga post ay maaaring idulog sa page na ito. Maraming salamat.

CHECK IT!

Fishball

Image result for fishball kalye
by: vhanfire

Masakit pala ang unang tusok ng matigas mong pantuhog
Na tumagos sa mamantika kong matambok na bilog
Sa tindi ng hapdi'y napakapit akong di mahuhulog
Hanggang sa lapatan ng mainit at matalas mong panghimod


At sa unang kagat mo'y kumatas ang mantika
Kasama ng matamis na sawsawang may lahok na suka
At muling lumangoy sa likidong may laway na rin ng iba
Subalit masarap oo at tunay na kahali-halina

Sa pag nguya mo ay nagkapira-piraso ang aking katawan
Sabay sipol sa anghang na sa dila mo ay nakikipagkagatan
Nilunok mo akong walang pag-aalinlangan
At sa kawali'y naghihintay ang sunod na lalangoy sa matamis na sawsawan

WALANG TITULO

May namumuong ulap sa ibabaw ng iyong mga mata
Na tila ba hangin na lang ang hinihintay upang ulan ay bumuhos na
At nasaan na ba ang mga tala na dati nagniningning?
Tila inagawan ng liwanag at naiwan sa dilim
Sa pagitan ng pamamaalam at muling kumustahan
May ilang pahinang natiklop na di ko nabasa ang nilalaman
Subalit batid ng aking mga mata na ang mga tuldok at kuwit
Ay dumanas ng lagim sa nagdaang bahaging sinapit
Walang dugo subalit may sugat
Walang naghilom subalit may pilat
Walang alulong na naikukubli sa matang dilat
At sa pagkikitang muli, maihahayag mo ba kung saan nagbuhat?


Image result for clouds taal volcano

Naghihintay na Mapansin Mo

No photo description available.
Nakatayo at nakatulala sa inyong paglalaro
Sabi mo noon ay tama na subalit heto na naman tayo
Pipilitin mong basahin ang malikot n'yang puso
Sa pag-asang mag-isa mong matatagpuan ang pangalan mo
Subalit hindi alam mo naman di ba?
Na naroon pa rin ang huling babae na minahal n'ya bago ka
Nandoon pa rin ang matatamis nilang ala-ala
Na pinipilit mong pawiin subalit nakaukit sila
Kaya't gamit ang natitira mong saplot ay pilit siyang pinipiringan
Na parang kabayo ng henete sa karerang walang patutunguhan
Nilulunod mo siya sa pagmamahal na hindi karapat-dapat sa kanya
Habang patuloy mong nilalason ang sarili mo sa pantasyang may pag-asa
Subalit manhid siya sa pagmamahal mong hanggang kumot lang at kobre-kama
Bulag siya sa mga panahong sinasayang mo mapaclingkuran lang siya
Uhaw siya subalit hindi ikaw ang tubig na gusto ng kanyang lalamunan
Siguro ay hinihintay ka lang rin niyang matauhan
At sa paghalik ng dilim sa lupa tayo ay maghihiwa-hiwalay
Babalik s'ya sa apoy na selda ng kanyang nakaraan
Ikaw nama'y mag-iipon ng lakas para bukas ang pagpapantasya mo'y hindi mamatay
At ako? Alam kong bukas maghihintay muli akong ikaw ay masaktan
Kasi baka doon mo lang mapapansin ang isang tulad ko
Kasi baka kailangan mo lang masugatan para may mapaghilom ako
O baka kasi sa dulo ganito na talaga tayo
Mahal kita, mahal mo siya pero hindi ikaw ang mahal n'ya sobrang gulo!

Ilaw sa Kanto

Image result for cigar light on dark photography
By: Vhanfire

May dalawang mapanglaw na ilaw sa may kanto
Naghihintay sa pagdaan mo
Tila nagbibigay hudyat ang samyo ng iyong pabango
Upang ang dalawang ilaw na pula ay maglaho
Maging abo sa kalsada
Na dadanakan ng dugo mong malansa
Kapag ikaw ay nakuha nila
Maging ang iyong pagkadalaga
Hayan at umuusok nang muli ang dalawang pulang ilaw
Na animo ay mata ng isang mabalasik na halimaw
Huwag ka sanang masisilaw
At mabibingi ang bulag na gabi sa iyong sigaw

Ayaw ko na

Image result for i love you goodbye photography
By: vhanfire
Laman ka lagi ng isip ko
Ngunit ayaw ko na
Ikaw lagi ang hanap
Ngunit ayaw ko na
Ikaw pa rin kasi ang aking mundo
Kahit ayaw ko na
Palagi pa rin kitang pinapangarap
Kahit ayaw ko na
Ito ay dulot ng mga iniwan mong ala-ala
Na ayaw ko na
Ang paraisong sa akin ay dati mong ipinakita
Na ayaw ko na
Kayat matagal tagal na rin akong nalulumbay
Ayaw ko na
Hanggang kailan malukungkot at maghihintay?
Ayaw ko na
Susubukan na siguro kitang kalimutan
Ititigil ko na itong kahibangan
Pipiliting alisin ang nararamdaman
Pero parang ayaw ko pa
😢