visitor analyticsvisitor analytics

Salamat sa Pagbisita

Ang site na ito ay para sa tagalog na tula (poem). Ang mga nilalaman ng Blog na ito ay purong orihinal na gawa ng may akda. Ang mga imahe ay maaaring nanggaling sa mga open source na pinagkuhanan. Hindi inaangkin ng may akda ang ano mang imahe. Ano mang isyu hinggil sa mga post ay maaaring idulog sa page na ito. Maraming salamat.

CHECK IT!

I love You Teacher

By: Vhanfire

Litrato ni Ian Austria Lalusin.
Paano mo gagamitan ng past tense ang damdaming pangkasalukuyan
Na kahit ilang taon ka nang wala ay ikaw pa rin ang inaasahan?
Buti pa nga ang subject at verb may agreement nang alam na halos ng lahat
E itong utak at puso ko, kailan kaya ang gusto nila ay magkakatapat?
Kasi ikaw ang direct object ng transitive verb na "love" na nararamdaman ko
Pero hindi english ang ating subject kundi yong "i" na binabalewala mo
Who needs rethoric questions? Sa dami na ng tanong sa aking isipan
Na ang sagot naman ay mas malabo pa sa gamit ng future perfect progressive tense na iyan.
Iligaw man ng figure of speech gamitan man ng isang kilong metapora
Alam kong sa dulo kapag isinummary sa iyo pa rin ang tigil at punta
Gusto ko na ngang lagyan ng full stop pero kuwit lagi ang naiisulat
Tapos sang damakmak na conjunction ng hence, yet and at but
Hahayaan ko na lang bang ang istorya ko ay mabuo ng run on sentences?
Tutal kahit anong ayos ko sa balarila wala rin namang makaka gets.
Kung ikaw ba ang teacher ko tatanggapin mo kaya ang puso ko for your perusal?
O hahayaan mong kainin ng alikabok sa ilalim ng iyong table hanggang sa hindi ka na nito minamahal?