Sumilip ang hangin
sa pagitan ng siwang ng mga dingding
Napayid ang
pahina, binuklat ang bagong kabanata
May batik na pula;
Luha; ang unang pahinang garing
Na kapag hinugasan
ng tubig masisira; mawawala ang istorya
Ang sakit ay sa
kahapon, at sa nakalipas na lang
Ngiti na ang
hinahanap ng aking labi sa bukas na darating
Umibig ako, umasa,
nabulag nagpabaya, hindi ko napigilan
Ipinahawak ang
puso ko sa kamay mo nang ika’y mahalin
Ilang tulog ang
aking ginawa sa pag asang
Ayos na ang lahat
sa aking paggising
Malalim man ang
sugat mong nagawa
Ang nakaraa’y
nakaraan na lang sa atin
Hindi ko pa
tinatapos ang kwentong ating nasimulan
Subalit ang
pagpapasakit sa sarili ay sapat na
Hindi ko
ipinipinid ang pinto para sa ano man
Subali’t ang lahat
ay nasa bago at ikalawa nang kabanata