visitor analyticsvisitor analytics

Salamat sa Pagbisita

Ang site na ito ay para sa tagalog na tula (poem). Ang mga nilalaman ng Blog na ito ay purong orihinal na gawa ng may akda. Ang mga imahe ay maaaring nanggaling sa mga open source na pinagkuhanan. Hindi inaangkin ng may akda ang ano mang imahe. Ano mang isyu hinggil sa mga post ay maaaring idulog sa page na ito. Maraming salamat.

CHECK IT!

Pangako ng Pagbabalik


Hinihila ko s’yang pabalik sa akin
Subalit nagpumilit s’yang ako’y lisanin
Nakiusap akong siya’y manatili
At pagbigyan pa ako ng ilang sandal

Tumulo ang luha, lumipad ang sandali
At ang natira sa akin ay hapdi
Ang pandinig ko’y paulit-ulit na binibingi
Ng pangako n’yang minsan n’ya lang sinabi

“Ako’y magbabalik sa takdang panahon”
Mga salitang sa puso’y  bumaon
Pangankong hindi na lumaon
At tila hindi na natugon

Lumipas na ang ilang takip-silim
Tila nauupos na ang naiwang saalimsim
Nilalamon ito ng labis na panimdim
Ang pulang ningas ay piƱata na ng dilim

At sa kanyang pagbabalik ako’y nabalisa
Paano bubuhayin pumanaw na pagsinta?
At nang iniabot n’ya ang kanyang kamay
Tumalikod ako’t iniwanan s’ya ng isang kaway

We’re Just Friends


We love to stroll together
And share some jest and laughter

I love to see her smile
And stare at her even for while

She loves to tickle me
That silly thing makes her happy

We text all day long, that’s our choice
And even call each other, when we miss each other’s voice

I’m happy when her hand is what I’m holding
The same way she told me she’s feeling

We love to promise each other
That we’ll be friends forever

Imahinasyon


Lumakad akong
Hawak ang kamay n’ya
Nakangiti,
Maligaya

Kumain akong
Siya ang kasalo
At hindi lang tiyan ang nabusog
Pati ang puso

Tumawa ako’t umawit
Na tila ba langit
Pinupuno ng inggit
Paligid na nagngingitngit

Lumiham ako sa kanya
Laman lahat ng nadarama
Muntik ko nang maipadala
Buti na lang aking naalala
Imahinasyon nga lang pala

Mukha ng Pagbabago: Mukha Mo

Muli na namang naglipana ang mga mukha ng pagbabago. nakakapit sa pader, puno, mga bahay, at kung saan saan pa. nNaglilibot n rin ang kanilang mga taga sigaw upang ipamalitang kailangan natin sila. Bumabaha na naman ng pamada at pulbos na pampaganda ng imahe ng mga tagapagligtas na ito.

Ilang linggo na lang ang nalalabi sa kanila upang manligaw at mapasagot tayo ng makalansing na OO. Makalansing sa kanilag tenga sapagkat tunog pera. Kaya nga siguro handa rin silang mamudmod ng san damakmak na pera. Ika nga, What you invest, What you get. Isa akong estudyante ng Business Administration, at kapag nakasalubong ko ang salitang investment isa lang salita ang pumapasok sa utak ko, Negosyo.

Negosyo? Si Juan nininegosyo? Sa bagay, hindi na ito bago. Ilang ulit na s'yang naisanla, tinubos, naipagbili, tinubos, naipagkasundo, at tinubos ulit. Walang katapusang panggagamit sa ngalan ng yaman at kapangyarihan. Tumingin ka sa mga nagngising mukha nila, mukhang tila ginaganyak kang sa kanila'y magtiwala, sumama at.... at.... at... makibaka, makibaka para sa pagbabago.

Kung lilimiin, tapat naman sila, sa halos 2 beses kong pagboto sa mga nag-alok ng pagbabago, nagawa naman nila, may nagbago naman talaga.. ang tanong na lang e, Gumanda ba o lalong sumama?

Ngayon ay nakangisi na naman sila sa labas. mabasa man ng ulan o mabilad sa araw, ngisi pa rin.. Ganan talaga, dapat magpapogi ka.

Ilang linggo na lang at magsisimula na naman ang mga pagbabago, ikaw kaninong mukha ang paniniwalaan mo?