visitor analyticsvisitor analytics

Salamat sa Pagbisita

Ang site na ito ay para sa tagalog na tula (poem). Ang mga nilalaman ng Blog na ito ay purong orihinal na gawa ng may akda. Ang mga imahe ay maaaring nanggaling sa mga open source na pinagkuhanan. Hindi inaangkin ng may akda ang ano mang imahe. Ano mang isyu hinggil sa mga post ay maaaring idulog sa page na ito. Maraming salamat.

CHECK IT!

Pagbabalik II

Masaya akong nagbalik siya,
Mas matindi kaysa matinding lungkot na minsang nadama
Kub-kob man sa dilim yaring mga mata
Sa puso'y malinaw 'tong nakikita

Nalulugod akong muli n'yang susubukan
Na magbalik sa pugad niyang kinalakhan
Matapos hamukin ng unos at ulan
Lumipad siyang pabalik sa tahanan

Gayo'n pa ma'y may hatid na liungkot ang kanyang pagbabalik
Kahit pa kinitil nito aking pananabik
Pinaalala kasi nito kung paanon s'ya humalik
Sa kataksilang sa puso'y minsang tumimong tinik.

_vhanfire

Hindi ka na Panaginip

Pinilit kong managinip para makita ka
Dahil doon lamang kita nakakasama
Subalit nanaginip akong mag-isa
At kahit saan anino mo'y wala

Pinilit kong iguhit sa isip
Ang kagandahan mong 'di malirip
Subalit natapos ang aking panaginip
Kariktan mo'y 'di man lang nahagip



Tumulo ang luha sa aking mga mata,
Wala na ikaw na sa panaginip ko'y nagpapasaya
Kaya't pinasya ko na lang na gumising
At ang tunay na mundo'y harapin

At sa pagpasok ng mga unang liwanag sa aking mga mata
Isang imahe ang aking nakita
Ang babaeng sa panaginip ko'y naglaho
Nagisngan ko na siya sa tabi ko... :)

_vhanfire

Papahilom



Dukit pa ang sugat
Mahapdi
May maliit pang punit
Masakit
Naroon pa ang mantsa
Ng dugo
Ang pagbalik ng alulong
Ng puso
Sa kisame nakapinta
Ang wala
At pilit pinahahalik
Ang hiniga
Nakabalot na ang benda
Makirot
Nakatapal na ang gasang
Walang gamut
Oras na lang ang hinihintay
Magtuos
Sa pagpatong ni mahaba kay maikli
Magtatapos
Bagong umaga na naman
Paparating
Didilat na ba ang mata
O magpipiring
Nakaligtas na sa muntikang
Pagka-uom
Nagsimula na rin

Papahilom.

Flowers Of April



When fangs bite my breath
And beckon for my death
I saw a fall of sleet
And fell venomous teeth

Leaf sprout from fissures
And light strikes so demure
Like valley where drought matures
My soul summons for cure

A slowly close my eyes
And everything is out of sight
My spirit calls his vice
To take with me on flight

And when I reached the sky
There grows my memory
Scented and hanged so high
Subdued by stupidity

Finally I reckon my will
There’s no such big deal
Everything is futile
Except the reminisce of the flowers of April

Nakakalanta ang iyong Luha



Inalayan kita ng rosas upang mapasaya ka
Subalit bakit luha ang isinalubong sa kanya
Ang pula nitong kulay unti-unting nawala
Nang tumulo ang luha sa taluyot niya.

Gusto kitang akapin at tanungin kung bakit
Subalit sa pagkakatayo’y hindi makalapit
Ramdam na ramdam ko, dinadamang sakit
Subalit ‘di matukoy sa’n nagmula ang pait

At nang makita na kristal mong mga mata
Tila pumanaw katinuan at gunita
Tanging ibig ko ang ika’y mapahinto
Sa iyong pagluhang dumudurog sa puso

Lumapit ka sa akin at akapin mo ako
Pumanaw ang liwanag sa aking paningin
Nang maramdaman ko ang mga labi mo
Ay mainit-init pang lumapit sa akin

Naglaban ang habag, pagtataka’t ligaya
At ang pagwawagi ay hindi ko na nakita
Hinila ka na kasi sa kamay ng isang lalaki
Tanging luha mo na lang ang naiwan sa aking pisngi

Unti-unting naluoy ang taluyot ng rosas

Nakakalanta ang iyong luha, tila hangin ng tag-lagas