Inalayan kita ng
rosas upang mapasaya ka
Subalit bakit luha
ang isinalubong sa kanya
Ang pula nitong
kulay unti-unting nawala
Nang tumulo ang
luha sa taluyot niya.
Gusto kitang
akapin at tanungin kung bakit
Subalit sa pagkakatayo’y
hindi makalapit
Ramdam na ramdam
ko, dinadamang sakit
Subalit ‘di
matukoy sa’n nagmula ang pait
At nang makita na kristal
mong mga mata
Tila pumanaw
katinuan at gunita
Tanging ibig ko
ang ika’y mapahinto
Sa iyong pagluhang
dumudurog sa puso
Lumapit ka sa akin
at akapin mo ako
Pumanaw ang
liwanag sa aking paningin
Nang maramdaman ko
ang mga labi mo
Ay mainit-init
pang lumapit sa akin
Naglaban ang
habag, pagtataka’t ligaya
At ang pagwawagi
ay hindi ko na nakita
Hinila ka na kasi
sa kamay ng isang lalaki
Tanging luha mo na
lang ang naiwan sa aking pisngi
Unti-unting naluoy
ang taluyot ng rosas
Nakakalanta ang
iyong luha, tila hangin ng tag-lagas