Salamat sa Pagbisita
Ang site na ito ay para sa tagalog na tula (poem). Ang mga nilalaman ng Blog na ito ay purong orihinal na gawa ng may akda. Ang mga imahe ay maaaring nanggaling sa mga open source na pinagkuhanan. Hindi inaangkin ng may akda ang ano mang imahe. Ano mang isyu hinggil sa mga post ay maaaring idulog sa page na ito. Maraming salamat.
CHECK IT!
May Namumuong Ulap sa Dakong Silangan
Pasulyap-sulyap sa cellphone naghihintay ng vibration, tunog, ilaw o kahit anong sinyales na baka magpaparamdam ulit ikaw. Ilang araw na rin o linggo na ata pero parang kahapon lang ang saya pa nating dalawa. Saan ba ako nagkamali? Galit ka ba, nagpapamiss lang o talagang nagsawa na?
Sana pala noong una ka pa lang hindi na kita pinayagang pumasok sa puso ko. Sana tumigil na ako doon sa magkaibigan lang tayo. Pero sa pag-aakalang may malayo pa tayong mararating hinayaan kong tangayin ako ng aking damdamin. Inumpisahan kong planuhin ang bawat sunod na umaga na kasama ka. Ikaw ang una kong makikita sa tuwing umaga at ikaw ang magtatapos ng bawat araw ko sa pamamagitan ng matatamis na halik mo. Akala ko noong una puro summer lang ang mararanasan ko kasama ka. Pero dumating ang taglagas...
Unti-unti parang mga natutuyong dahon sa sanga ng kahoy ang pagmamhal sa iyong puso ay dahan-dahang natuyo at nanlagas. Wag mong sabihing hinayaan ko lang ang lahat kasi lahat na ata ng pagdidilig ginawa ko subalit wala na ata talagang pag-asa. Ang mga salitang binibitiwan mo sa akin na noong una'y tila arnibal ay unti-unting pumait at nawalan ng lasa. Nagsimula na nga ang kinatatakutan kong pagluha ng mga butuin sa unan, kumot at kama. Parang kandila ang pagsuyo mo unti-unting nauubos at nawawala. May kaunti pang liwanag na natitira subalit alam kong magdidilim din ang buong paligid ilang panahon pa. At isang umaga, gumising akong wala ka na. Hinanap ka sa lapag kasi baka panaginip lang ang lahat kagabi at nasipa lang kita pero hindi, wala ka nga. Hinanap kita sa banyo sa kusina kasi baka susurpresahin mo ako ng masarap na agahan ngunit wala talaga. Sa huli'y tiningnan kita sa pintuan kasi baka aabutin ko pa ang anino mo subalit malayo ka na. Naiwan akong walang alam sa nangyari. Alam kong darating ang panahong iyon pero hindi pa ako handa. Wala akong magawa kundi mapaluha.
Mula noong nagbago nang lahat sa aking mundo. Hindi ko na kilala kung sino ako. Palagi ko pa ring naririnig ang boses mo sa hangin. Palagi kong nakikita ang anino mo sa lupa at pag lalapitan ko bigla na lang nawawala. Pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Gusto kong malaman mong hinihintay pa rin kita. Babalik ka naman di ba?
Didito na lang ako at maghihintay na bumalik ka. Kung hindi man kita makita o kung hindi ka dumating hihintayin ko na lang ang kulimlim sa dakong silangan na mapunta sa aking ulunan. Hihilingin kong ibuhos nya sa akin ang pinakamalamig na tubig upang mamanhid ang aking pakiramdam. Titingala na lang ako upang saluhin ng aking mukha ang matatalim na patak ng ulan. Hahayaan kong hugasan nito ang pisngi ko at labi na noo'y nilunod mo ng matatamis mong halik. Ipapaanod ko ang bawat luhang tumatagistis sa aking mga mata na dati ay puno ng ningning sa tuwing makikita ka. Ipababalot ko ang buo kong katawan sa lamig ng ulan at hangin. Mananasok ito sa aking balat, tatagos sa bawat himaymay ng aking laman at mamamalagi aa aking buto upang makitil ang init na dati ay ibinigay mo.
Ganito kita kakalimutan
Ganoon rin kita gustong maalala
Salamat sa panahong naniwala akong may magic talaga ang pag-ibig. Salamat sa pagtuturo sa aking lumipad kahit na pinabayaan mo lang akong mahulog at masaktan. Salamat sa lahat ng masasayang ala-ala na itinanim mo sa aking utak at ngayon ay mamumunga ng walang hanggang pangungulila. Salamat sa minsang pagkompleto sa akin kahit pa iniwan mo akong durog nang ulit. At least kahit minsan sa buhay ko naranasan ko ang lahat.
Wag kang mag-alala katulad ng mga ulap. Ibubuhos ko lang lahat ng lungkot sa lupa at huhupa rin ito. Magliliwanag muli ang bughaw na kalangitan ko. Makakakita ulit ako ng rainbow.
Yong rainbow na dati sabi mo kapag nalulungkot ako isipin ko lang nasa kabila kang dulo. Nagkatotoo. Nasa malayong kabilang dulo. 😢😢😢
#writen_by_vhanfire
Tag mo na yong tropa mong may pinagdadaanan
Like na rin ang page para sa iba pang tugmaan post
Happy reading 😁😁😁
Fishball
by: vhanfire
Masakit pala ang unang tusok ng matigas mong pantuhog
Na tumagos sa mamantika kong matambok na bilog
Sa tindi ng hapdi'y napakapit akong di mahuhulog
Hanggang sa lapatan ng mainit at matalas mong panghimod
At sa unang kagat mo'y kumatas ang mantika
Kasama ng matamis na sawsawang may lahok na suka
At muling lumangoy sa likidong may laway na rin ng iba
Subalit masarap oo at tunay na kahali-halina
Sa pag nguya mo ay nagkapira-piraso ang aking katawan
Sabay sipol sa anghang na sa dila mo ay nakikipagkagatan
Nilunok mo akong walang pag-aalinlangan
At sa kawali'y naghihintay ang sunod na lalangoy sa matamis na sawsawan
WALANG TITULO
May namumuong ulap sa ibabaw ng iyong mga mata
Na tila ba hangin na lang ang hinihintay upang ulan ay bumuhos na
At nasaan na ba ang mga tala na dati nagniningning?
Tila inagawan ng liwanag at naiwan sa dilim
Sa pagitan ng pamamaalam at muling kumustahan
May ilang pahinang natiklop na di ko nabasa ang nilalaman
Subalit batid ng aking mga mata na ang mga tuldok at kuwit
Ay dumanas ng lagim sa nagdaang bahaging sinapit
Walang dugo subalit may sugat
Walang naghilom subalit may pilat
Walang alulong na naikukubli sa matang dilat
At sa pagkikitang muli, maihahayag mo ba kung saan nagbuhat?

Naghihintay na Mapansin Mo
Nakatayo at nakatulala sa inyong paglalaro
Sabi mo noon ay tama na subalit heto na naman tayo
Pipilitin mong basahin ang malikot n'yang puso
Sa pag-asang mag-isa mong matatagpuan ang pangalan mo
Subalit hindi alam mo naman di ba?
Na naroon pa rin ang huling babae na minahal n'ya bago ka
Nandoon pa rin ang matatamis nilang ala-ala
Na pinipilit mong pawiin subalit nakaukit sila
Kaya't gamit ang natitira mong saplot ay pilit siyang pinipiringan
Na parang kabayo ng henete sa karerang walang patutunguhan
Nilulunod mo siya sa pagmamahal na hindi karapat-dapat sa kanya
Habang patuloy mong nilalason ang sarili mo sa pantasyang may pag-asa
Subalit manhid siya sa pagmamahal mong hanggang kumot lang at kobre-kama
Bulag siya sa mga panahong sinasayang mo mapaclingkuran lang siya
Uhaw siya subalit hindi ikaw ang tubig na gusto ng kanyang lalamunan
Siguro ay hinihintay ka lang rin niyang matauhan
At sa paghalik ng dilim sa lupa tayo ay maghihiwa-hiwalay
Babalik s'ya sa apoy na selda ng kanyang nakaraan
Ikaw nama'y mag-iipon ng lakas para bukas ang pagpapantasya mo'y hindi mamatay
At ako? Alam kong bukas maghihintay muli akong ikaw ay masaktan
Kasi baka doon mo lang mapapansin ang isang tulad ko
Kasi baka kailangan mo lang masugatan para may mapaghilom ako
O baka kasi sa dulo ganito na talaga tayo
Mahal kita, mahal mo siya pero hindi ikaw ang mahal n'ya sobrang gulo!

Ilaw sa Kanto
By: Vhanfire
May dalawang mapanglaw na ilaw sa may kanto
Naghihintay sa pagdaan mo
Tila nagbibigay hudyat ang samyo ng iyong pabango
Upang ang dalawang ilaw na pula ay maglaho
Maging abo sa kalsada
Na dadanakan ng dugo mong malansa
Kapag ikaw ay nakuha nila
Maging ang iyong pagkadalaga
Hayan at umuusok nang muli ang dalawang pulang ilaw
Na animo ay mata ng isang mabalasik na halimaw
Huwag ka sanang masisilaw
At mabibingi ang bulag na gabi sa iyong sigaw

Ayaw ko na
By: vhanfire
Laman ka lagi ng isip ko
Ngunit ayaw ko na
Ikaw lagi ang hanap
Ngunit ayaw ko na
Ikaw pa rin kasi ang aking mundo
Kahit ayaw ko na
Palagi pa rin kitang pinapangarap
Kahit ayaw ko na
Ito ay dulot ng mga iniwan mong ala-ala
Na ayaw ko na
Ang paraisong sa akin ay dati mong ipinakita
Na ayaw ko na
Kayat matagal tagal na rin akong nalulumbay
Ayaw ko na
Hanggang kailan malukungkot at maghihintay?
Ayaw ko na
Susubukan na siguro kitang kalimutan
Ititigil ko na itong kahibangan
Pipiliting alisin ang nararamdaman
Pero parang ayaw ko pa
😢

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)