visitor analyticsvisitor analytics

Salamat sa Pagbisita

Ang site na ito ay para sa tagalog na tula (poem). Ang mga nilalaman ng Blog na ito ay purong orihinal na gawa ng may akda. Ang mga imahe ay maaaring nanggaling sa mga open source na pinagkuhanan. Hindi inaangkin ng may akda ang ano mang imahe. Ano mang isyu hinggil sa mga post ay maaaring idulog sa page na ito. Maraming salamat.

CHECK IT!

Liwanag at Seda



Hihinto sumandali ang sasakyan, dadamba ito sa humps. Matapos dumamba ng huli nitong gulong tila nakapaprogram na akong titingin sa bintana ng jeep. Hindi naman sa paborito ko ang mahabang upuan sa likod ng driver, sa tabing ito kasi naroon ang bahay na palagi kong tinitingnan kapag nadadaanan ng biyahe pauwi sa amin. “Click” medyo mabagal ang takbo ng jeep kaya tila nasagap ng malakas kong pandinig ang tunog ng automatic na ilaw nang nabuhay ito sa pagdaan ng jeep na sinasakyan ko. Yon mismo ang inaasahan ko. Natutuwa ako, gusto ko ng ganong ilaw sa bahay namin. Yung kusang nabubuhay pag dadating ako ng alas-onse ng gabi galing eskwela. Bumaba na ako sa kanto kung saan ako dadaan pauwi at napatingin ulit ako sa bahay, patay na yong ilaw, wala pa kasi ulit sasakyang dumaraan. Nasa barangay lang naming yung bahay, pero kahit ganon hindi ko pa yon napapasok, teka bakit ko nga ba papasukin yon? Wala naiintriga lang ako sa ilaw na alam ko namang matagal nang uso.
Isang gabi, pauwi na ako galing school. Excited na akong dumaan ulit doon. Mlapait na sa humps at may pumara. Bumaba ang mga sakay, surprisingly, ako na lang at yung driver ang natira sa jeep. Feeling ko tuloy, arkilado ko ang byaheng yon. “Bugs, broom,bugs” dumaan na sa humps, kaya bumangla na ako sa bintana. Hindi nabuhay ang ilaw? Napatingin ako sa ibang bahay sa kabilang kalsada, may power naman. Naiinip na ata si driver, panay ang tingin sa salamin sa itaas eh, siguroy itinatanong kung kalian ako bababa para makauwi na sya, nilalamig na siguro. Lumagpas ang jeep at hindi na nga nabuhay ang ilaw, tsk, bakit kaya? Malapit na sa kantong binababaan ko ang jeep at si manong driver panay parin ang simpat sa akin sa kanyang salamin, “wag kang mag alala manong sa kanto e bababa na ako”. Gusto ko sanang sabihin yon eh. Nag sindi sya ng sigarilyo at nagjacket, nilalamig siguro, hindi naman masyadong malamig noon.
“Manong sa kanto lang ho” sabi ko. Pero imbes na mamreno e humarurot pa ang jeep.” Manong sa kanto lang para na para! Hindi tumigil si manong at panay ang tingin sa akin sa salamin. Hindi ko alam kung matatakot ako o ano, lalaki naman ako, hindi nya ako pwedeng reypin. Bago ko pa nahalata nasa tapat na kami ng simbahan ng barangay namin, tumigil na ang jeep. May daan naman dito papunta sa amin kaso, gubatan. Magrereklamo na sana ako kay manong nang lumingon syang maluha-luha.
“Mula nang bumaba ang mga pasahero at ikaw na lang ang sakay ko may katabi ka nang babae, nakaakap sa iyo. Pagdating sa may kanto na pinaparahan mo nang tiningnan kita sa salamin wala kang ulo at akap ka pa rin nang babae. Pumunta ka sa simbahan kumuha ka ng kahit ano dyan, krus, bulaklak, o bibliya, ihahatid kita sa inyo”.
Hindi na ako nakapagsalita noon at sinunod ko na lamang si manong driver. Bumalik ang jeep sa kantong nilampasan namin at inihatid ako paloob sa lugar namin. Dala-dala ko ang krus na galing simbahan, nagulat ako ng magbukas ang ilaw sa terries. Bumukas ang pinto. “Ano yang dala mo?” tanong ng aking ina. “Krus ho.” Tugon ko. Nginitian nya lang ako. Hindi ako makatulog noong gabing iyon. Nabagabag ako, ano bang nangyari?

(itutuloy...)

Kahon


‘di ko na matatanaw ang buwan
Ang mga bituin sa kalangitan
Ang lamig ng hanging nakasanayan
Ay hindi ko na rin nararamdaman

Napupuno ng dilim ang daigdig
Na minsang nagliwanag sa iyong pagdating
Wala na rin ang masasayang awitin
Na dati ay kinawiwilihan kong kantahin

Ang lahat ngayon sa akin ay wala na
Ang hangi’y matipid na rin kung bumisita
Ang mga ngiti animo’y anino
Sa pagpanaw ng liwanag ay naglaho

Akoy tila regalo at ikaw ang laman
Na misang iningatan at pinorotekhan
Nang akoy was akin upang makuha ka sa’kin
Kahon na lamang akong puno ng panimdim

Paghihintay


Maaga akong nagising upang hintayin ka
Patingkayad akong namangko sa azotea
Kasama ang isang lamesa’t dalawang silya
At dalawang umaasong maiinit na tasa

Humapdi na ang pilantik ng araw
Subalit wala pa ring natatanaw
Naiig’han na ng tubig ang balintatanaw
Sa paglinga linga kung dumating na ikaw

Umihip na ang mainit na hangin
At nagliliparan na ang ibon sa papawirin
Abala na rin ang mga bukirin
At ang mga tasa’y naghihintay parin

Hanggang sa magtakip silim
Nilalamon na ang paligid ng dilim
Tanging naiwan ay pagkadismaya at inis
Kasama ang kapeng iniwan na ng init at tamis

Pa'no Ko Sisimulan?


Mabuti pang magbasa, ng isang istorya
Na masasatitik, sa puting pahina
Bulag man at bingi, ang mga salita
Magaling na yaon, pagka’t walang luha

Magaling pa kayong, mga mambabasa
Na ‘di tumatagos, sa aklat ang mata
Pawis man at laway, namin ay maiga
Iguguhit pa rin, ang inyong ligaya

Paano kung ‘di na, umiihi ang pluma?
Ng tinta na dugo, kahit hindi pula
Pa’no ‘pag nawala, ang init at lansa
Buhay na emosyon, tiyak mawawala

Pa’no ko sisimulan, yaring aking kwento
Na ang tanging tao, ay ikaw at ako?
Kung kasawian na, ang siyang tinamo
Kung sinakal mo na, yaring panulat ko?


Patawad

Hinalikan kita, napapikit ka
At ako'y namulat sa pagmamahal mo sinta
Sinigawan kita, natahimik ka
At narinig ng puso ko, kung ga'no ako sa'yo kahalaga
Nagtampo ako, nanuyo ka,
Mas malambing sa pagsuyo ko sa iyo noong pinasagot kita
Lumisan ako, lumuha ka
At doon bumalik sa aking gunita
Kung gaano ako kasaya, sa mga kahapong kasama kita
Lumayo ako, naghanap ka
At noon ko nakita na mahal nga kita
Kaya bumalik ako, pero wala ka na
Pagsisisi lang ang aking nadama
Hinanap kita, may iba ka na
Ngayon ang tanong ko
hahayaan, o babawiin pa ba kita?