Hihinto sumandali ang sasakyan, dadamba ito sa humps. Matapos dumamba
ng huli nitong gulong tila nakapaprogram na akong titingin sa bintana ng jeep.
Hindi naman sa paborito ko ang mahabang upuan sa likod ng driver, sa tabing ito
kasi naroon ang bahay na palagi kong tinitingnan kapag nadadaanan ng biyahe
pauwi sa amin. “Click” medyo mabagal ang takbo ng jeep kaya tila nasagap ng
malakas kong pandinig ang tunog ng automatic na ilaw nang nabuhay ito sa
pagdaan ng jeep na sinasakyan ko. Yon mismo ang inaasahan ko. Natutuwa ako,
gusto ko ng ganong ilaw sa bahay namin. Yung kusang nabubuhay pag dadating ako
ng alas-onse ng gabi galing eskwela. Bumaba na ako sa kanto kung saan ako
dadaan pauwi at napatingin ulit ako sa bahay, patay na yong ilaw, wala pa kasi
ulit sasakyang dumaraan. Nasa barangay lang naming yung bahay, pero kahit ganon
hindi ko pa yon napapasok, teka bakit ko nga ba papasukin yon? Wala naiintriga
lang ako sa ilaw na alam ko namang matagal nang uso.
Isang gabi, pauwi na ako galing school. Excited na akong dumaan ulit
doon. Mlapait na sa humps at may pumara. Bumaba ang mga sakay, surprisingly,
ako na lang at yung driver ang natira sa jeep. Feeling ko tuloy, arkilado ko
ang byaheng yon. “Bugs, broom,bugs” dumaan na sa humps, kaya bumangla na ako sa
bintana. Hindi nabuhay ang ilaw? Napatingin ako sa ibang bahay sa kabilang
kalsada, may power naman. Naiinip na ata si driver, panay ang tingin sa salamin
sa itaas eh, siguroy itinatanong kung kalian ako bababa para makauwi na sya,
nilalamig na siguro. Lumagpas ang jeep at hindi na nga nabuhay ang ilaw, tsk,
bakit kaya? Malapit na sa kantong binababaan ko ang jeep at si manong driver
panay parin ang simpat sa akin sa kanyang salamin, “wag kang mag alala manong
sa kanto e bababa na ako”. Gusto ko sanang sabihin yon eh. Nag sindi sya ng
sigarilyo at nagjacket, nilalamig siguro, hindi naman masyadong malamig noon.
“Manong sa
kanto lang ho” sabi ko. Pero imbes na mamreno e humarurot pa ang jeep.” Manong
sa kanto lang para na para! Hindi tumigil si manong at panay ang tingin sa akin
sa salamin. Hindi ko alam kung matatakot ako o ano, lalaki naman ako, hindi nya
ako pwedeng reypin. Bago ko pa nahalata nasa tapat na kami ng simbahan ng
barangay namin, tumigil na ang jeep. May daan naman dito papunta sa amin kaso,
gubatan. Magrereklamo na sana ako kay manong nang lumingon syang maluha-luha.
“Mula nang bumaba ang mga pasahero at ikaw na lang ang sakay ko may
katabi ka nang babae, nakaakap sa iyo. Pagdating sa may kanto na pinaparahan mo
nang tiningnan kita sa salamin wala kang ulo at akap ka pa rin nang babae.
Pumunta ka sa simbahan kumuha ka ng kahit ano dyan, krus, bulaklak, o bibliya,
ihahatid kita sa inyo”.
Hindi na ako nakapagsalita noon at sinunod ko na lamang si manong
driver. Bumalik ang jeep sa kantong nilampasan namin at inihatid ako paloob sa
lugar namin. Dala-dala ko ang krus na galing simbahan, nagulat ako ng magbukas
ang ilaw sa terries. Bumukas ang pinto. “Ano yang dala mo?” tanong ng aking
ina. “Krus ho.” Tugon ko. Nginitian nya lang ako. Hindi ako makatulog noong
gabing iyon. Nabagabag ako, ano bang nangyari?
(itutuloy...)
(itutuloy...)