visitor analyticsvisitor analytics

Salamat sa Pagbisita

Ang site na ito ay para sa tagalog na tula (poem). Ang mga nilalaman ng Blog na ito ay purong orihinal na gawa ng may akda. Ang mga imahe ay maaaring nanggaling sa mga open source na pinagkuhanan. Hindi inaangkin ng may akda ang ano mang imahe. Ano mang isyu hinggil sa mga post ay maaaring idulog sa page na ito. Maraming salamat.

CHECK IT!

Paghihintay


Maaga akong nagising upang hintayin ka
Patingkayad akong namangko sa azotea
Kasama ang isang lamesa’t dalawang silya
At dalawang umaasong maiinit na tasa

Humapdi na ang pilantik ng araw
Subalit wala pa ring natatanaw
Naiig’han na ng tubig ang balintatanaw
Sa paglinga linga kung dumating na ikaw

Umihip na ang mainit na hangin
At nagliliparan na ang ibon sa papawirin
Abala na rin ang mga bukirin
At ang mga tasa’y naghihintay parin

Hanggang sa magtakip silim
Nilalamon na ang paligid ng dilim
Tanging naiwan ay pagkadismaya at inis
Kasama ang kapeng iniwan na ng init at tamis