visitor analyticsvisitor analytics

Salamat sa Pagbisita

Ang site na ito ay para sa tagalog na tula (poem). Ang mga nilalaman ng Blog na ito ay purong orihinal na gawa ng may akda. Ang mga imahe ay maaaring nanggaling sa mga open source na pinagkuhanan. Hindi inaangkin ng may akda ang ano mang imahe. Ano mang isyu hinggil sa mga post ay maaaring idulog sa page na ito. Maraming salamat.

CHECK IT!

Operation Plaster Smile ( a way to endear your love one)

If you are reading this article then you might want to make your love one feel your endearment. I'll give you a technique that you may use. 
 
To start, I call this technique “Operation Plaster Smile”. As the acronym OPS suggests, you have to pause for a while in a day to ask this few little things on yourself. The first one is, “Has she smiled today?” This is the most important question in the technique. If yes, why did she smile, was that because of you? If that is not you who make her smile then time to warm up my friend, you have to do something to have answer that question yes, it’s because of you. You will have to put some coal in this part. So do you get the idea now? OPS simply means make her smile everyday, as simple as that. Crack a joke, make something special for her, surprise her or even tickle her. Whatever the way is, as long as you are able to make her smile, it will be great. And the final and most important step is after she shows the perfect curve of her lips you have to touch her heart. How? Simply say how beautiful she is wearing that smile. Say magic words like “That is the smile that captures my heart, and it never fails to do that over and over again.” Or “you are just perfect with that smile, that’s why I can’t resist your charm.” or anything that will melt her heart. Please be sure that your words will come from your heart because, if it will not then her heart will fell it. Remember, when heart speaks, heart listens.
Do you know why I thought smiling as the source of flame in a relationship? I guess everybody shares same reason with me. We feel love when we are happy. When someone makes efforts to make us smile, we appreciate that person. When we say love, it’s always positive feeling; happiness. Oftentimes the reason why we fall in love with a person is because he can provide us this kind of happiness anybody just can’t, so why not use that to keep the flame in your relationship? Do this as a practice. If you can do this she will fall for you everyday. Don’t get tired, remember to continuously put coal.
Believe me every little effort counts. If you feel happy of OPS then do it as it wasn't intended to be. What do I mean? OPS is meant to keep flame in the relationship. If you feel happy that you’re able to plaster smile on the face of your partner then do it not for the sake of flame, rather do it for the sake of love. Happy plastering.
 
Thank you for reading
Share this with you friends as well.

Buti na lang



Mabuti pa siguro kung 'di kita nakilala
Sana'y hindi ako nagseselos
Sana'y hindi ako nasasaktan
Sana'y hindi ako naguguluhan
Sana'y wala ako sa sitwasyong ito
Na panggulo ako sa inyo
Na ako'y pampalit mo
Sa tuwing wala s'ya
Sa tuwing tayo lang dalawa

Mabuti pa siguro kung hindi kita nakilala
Sana'y hindi ka naguguluhan
Sana'y hindikayo nagkakasakitan
Sana'y hindi mo siya pinagtataksilan
Sana'y masaya kayo
Na pinagsasaluhan ang pag-ibig n'yo
At ang bukas n'yo'y magkasamang pinaplano

Mabuti pa siguro kung hindi kita nakilala
Hindi sana ako madadala sa mga biro mong
alam ko namang pang-alo lang sa panibugho
Hindi sana ako aasa pa
Na magiging tayong dalawa
Hindi sana sa'yo inalay ang awitin
Ng lalamunang sintunado't mapausin
Hindi mo sana kayang kilitiin ang puso
At palundagin ito sa pagsambit lamang ng pangalan ko
Kung hindi siguro kita nakilala
Wala ang tulang ito,
Buti na lang nakilala kita
Buti na lang talaga.

Kneel



We are challenged 
We sweat 
We toil 
We are whipped 
We are dragged down 
We cry 
We are pushed 
We are hampered  
we are rejected 
we lose strength 

These all happen  
For our knees to kiss the ground 
Not to tell us to quit 
nor to die 
But to remind us that we are human 
 And we ought to fall sometime 
And we were just be a living human 
Without him.  

Thunder

You hit me like a deafening sound
from nowhere that goes straight to my chest
I asked the moon but it's not around
Maybe it's in the midst of its rest

You some to my ears as vivid as the song
of nymphs that descend from heaven where you belong
You blind me with a light to tell me that you're near
OH, you're always waking me my thunder

Moonlight













I was sitting by my window 
Silently staring on the moon 
She is very lovely tonight 
Like an iris of my eye 
Well she has always been very wonderful to me 
  
Beside me is my table 
With a blank sheet and a sleeping pen 
Unlike the moon the sheet is pure 
My heart has no more to paint on it 
  
Beside the sheet is a tearing vase 
With roses of falling season 
I was not sure where I put them 
Deep into that venomous water 
  
Just on the foot of the vase is a ring 
That glints after moon hides 
From the dark blanket on the sky 
  
That ring was once worn by the moon 
Even the roses were once hers 
The sheet is empty because 
That is the last page of our story I’ve once wrote…  

Binagong Berso
















Muling tinalunton ng mata ang pahina
Ang himig ng tugma ay hindi nawala
Hindi rin inapuhap ang bagsik ng sumpa
Panalanging ang dating ay makapilas-tenga

Dumamba sa banayad na dagat ang pagsalat
Ang tabsing man di'y humilam sa matang dilat
Hindi ko mawari kung saan nagbuhat
Ang ulop sa dakong hinahabagat

Sa pusod ng dagat, madawag, madilim
Napunit ang pahinang pinag-alayan ng panimdim
Dili kaya'y nabunyag kinukubling lihim
Hindi man umula'y nahawi ang kulimlim

Nasaan ang bersong humawak ng tabak
Na balde-balde ang dugong pinadanak?
Nasaan ang gatas sa labi ng anak
Ng inang inagawan ng laya't halakhak?

Kung



Kung magagawa ko lang diktahan ang puso
Hindi na lang sana ikaw ang iniibig ko
Kung kaya ko lang gawing totoo
Ang lahat ng ibinubuga ng isip ko

Wala sanang luha
Wala sanang sakit
Wala sanang pangungulila
Wala sanang pananabik

Kung mula pa noong una
Hindi na ako nagpadala
Sa pagmamahal na sa puso'y bumuhay
Ngunit ngayo'y unti unti kong pinapatay...

Sweet Joke

I don't know if your intent is to make me smile
or just to make me feel very special
Now to tell you, you have succeeded
in putting scented roses on my bed

I'm not sure where it comes from
but it tickles me gently inside
This feeling is more awakening than an alarm
Eccentricity when you're by my side

I was not aware of that thing they call love
until you made me feel like this
I'm like flying in the sky above
I even fantasized of our perfect kiss

But now you're gone leaving traces of tears
you took away the fountain of my bliss
Maybe the reason why I didn't get the clue,
Is because love is still sweet, even it's a joke.

Friendzone











Umakbay ka at kinilig ako
Nakangiti ka nang ako'y tumingin sa 'yo
Sabay nating binagtas ang daang magulo
Nagnanasang may liwanag sa dulo

Hinawakan mo ang aking kamay
Pumanaw sa utak ang malay
Nasa ko na lamang magpahingalay
Sa lilim ng ulap na naglalakbay

Tumawa kang ubod ng tamis
Puso ko'y pumintig na ubod ng bilis
At sa sulok mayroong pagngingitngit
Tila may hinuhugot sa dibdib na pait

Sa pagkakaupo'y inakap mo ako
At inilapat ang ulo sa balikat ko
Sa puntong iyo'y napatingin sa 'king relo
Tumigil muna sana ang oras at mundo

Subalit maya-maya'y bumangon ka na rin
Tayo ay naghiwalay na may bigat sa 'king damdamin
Gusto ko sanang ikaw ay tanungin
Talaga bang kaibigan lang ang tingin mo sa  akin?

Seasons




Darkness once cuts my eyes
Hearing the saddest goodbye
Watering the hays on spring
Like newly weds couple ring


Forget those passed rain
For clear skies are at the east
Let go of your thousand pains
For you're heading for the best

Today, let your ears hear the song
That deafen you for so long
And let those tears you've given away
Make some rainbow in this brand new day.

Yolanda (Haiyan)


You're not a killer
But you killed
You're a salvager
of our mother
You're not a curse
though you seemed to be

You are a calling
does mankind hear?
You're not a nemesis
there is nothing to be retributed
you are just a nightmare
we never dreamed of
but we lived for

Pangarap













Gusto kong laging nakikita ng iyong mga mata
Na nangungusap at sa aki'y sumisinta
Mula sa pagmulat nito sa umaga
Hanggang sa pagpikit kung araw ay papanaw na

Nais kong madama palagi ang iyong mga labi
Na dumarampi, sa aking mga pisngi
Daig pa siguro nito ang pagpupunyagi
Sa batalyang wala namang nasasawi

Nasa kong sa t'wina'y nasa bisig kita
Upang init ng pagsinta ay aking madama
Tila walang katapusang paglaya
ng mga damdaming ubod ng ligaya

Ibig kong ibigin ka tuwina at kailan man
Sayang, kung malaya ka lang
Subali't dahil sa iyo'y may ibang humihirang
Dito na lang ako at kayo'y pagmamasdan...

Malayo ka man

Hindi ka abot ng aking tanaw
Subalit iisa ang langit na bughaw
Hindi mo maririnig ang aking sigaw
Subalit maniwala ka, hanap ay ikaw

Malayo ka man sa akin giliw
Ang pag-ibig sa iyo'y hindi magmamaliw
Kutyain ma't lamigin ang pusong baliw
Tanging ikaw pa rin nag-iisang aliw

Hindi mo man ako nakikita
At hindi naririnig ang awit ng pagsinta
Asahan mong kapag nagbalik ka
Nandito lang ako sa tuwina

Malayo ka man aking mahal
Ang puso'y hinding-hindi mapapagal
Maghintay man sa iyo ng matagal
Ang pagsuyo ko'y hindi mararawal

She

She smiles so wonderful
just like a baby in a crib
or an angel in the sky
like a paradise on land

Her voice is soft
like my mothers lullaby
like a silk on my skin
or a peaceful summer breeze

She is just perfect
her hair, her body, her face
her talking, walking and laughing
everything!

how i wish she was mine
...until now,
cause she had just been once
my princess,

Bente Quatro

Hindi ko hiniling ang iyong pagdating
Subalit 'binigay ang tulad mo sa akin
Hindi ko ninasang ikaw ay mahalin
Subalit dinikta ng aking damdamin

Hindi inasahang ako'y liligaya
Sa piling ng isang tulad mong dalaga
Hindi ko inisip na magmamahal nga
Ang pusong minsan nang dinurog ng sigwa

Hindi ko na alam ang patutunguhan
Ng istorya nating sa prologo pa lang
Hindi nanasaing agad na wakasan
Kwentong tayong dalwa, at walang iwanan

Gusto kong magsulat ng sariling kwento
Na ang tauhan ay ikaw lang at ako
Walang ibang taong sa ati'y manggugulo
Tayo lang dalawa atin lang ang mundo

Sana may tinta pa ang plumang hawak ko
Sana may letra pang ibubuga ito
Sana mayroon pang nalabing espasyo
Pahinang natira sa nagdaang kwento

Bote


















Sinakal
Itiniwarik
at muling itinulay

Sa gitna ng katuwaan
tahimik na naghihintay

Ipinasa
Itinaktak
at pinaikot-ikot

Kasabay ng tawanan
nag-iintay na iabot

Sinawaan
Hinarukan
at inumaga na

Ando'n lang s'ya
Kung saan s'ya huling ibinaba

Para Kay Eks













Maalala mo sanang
         kinalimutan mo ako
Nang minsang magbihis
         ang kalendaryo
Tandaan mo sanang
          pinilas ang puso
Kasabay ng pagpanaw
           ng huling asraw
           sa buwan ng Hulyo

Panghinayangan mo sanang
         itinapon mo
Ang masasayang
         litrato
Na 'di sana malao'y
        magtatamo
Ng halik
        ng kinabukasang
        walang bango

Ipagpatawad mo sanang
      naglilo
Katulad nang ibinubuga
      ng galit mong ulo
Pinamutiwanan man ang
      huwad na totoo
Binihisan mo na
      ng husga
      ang aba n'yang hulo

Sa huli sana ay
       masaling sa isip mo
Na nakalimutan mong
       isara ang pinto
Ng kahapon nating
       dinudungawan ko
Kinkiskis ang
      salamin ng
       matang malabo

_vhanfire

Balik Tanaw












Dinadanaw sa bintana ng kahapon
Ang nakaraan nating natapon

Ang mga ngiti na pinagsaluhan
Mga luha ko sa matang iyong pinunasan

Saan na kaya ngayon
Ang matatamis na pagsuyong hindi naglaon?

Ang galing hindi ko na matalunton
Puno na ng hikbing sa puso ay lason

Iniisip mo rin kaya ako
Kung paanong nangungulila ang puso

Masaya ka na ba sa mahal mong bago
At 'di na magbabalik sa piling ko?

Ang bawat umaga ngayon ay iba na
Kung dati'y gumigising ako para makita ka

Ngayo'y mumulat na lang ang aking mga mata
Upang manangis habang umaasang
Magbabalik ka pa... :'(

Hamog

Papanaw ako sa paghalik mo
At lilipad sa himpapawid para abutin ka
Subalit sa ulap mauuntog ako
At iluluhang muli pabalik sa lupa

Ganito an gpagliyag na aking dinadala
Sa bawat gabi'y pinapangarap ka
At sa bawat pagsilay ng bagong umaga
Mararawal ako 'pag nasilayan kka

Pailalim

Pinilit kong palalimin at lumalim nga
Pinilit kong hanguin at hindi ko nagawa
Hinayaan ko't nagningas na bigla
Tinangka kong takasan, nguni't 'di nakawala

Tinabunan ko gamit ang lahat ng lakas
Subalit mas nag-ibayo ang kanyang pag-aklas
At ang tanikalang gumapos sa pagkapantas
Ay tila laway ng bulkan na nag-alpas

Pinabaha ko sa pag-asang ito'y maaanod
Pinalango'y hanggang sa kamay ay mapagod
Nanginginig ang mata habang pinanunuod
Lamunin nawa siya at tuluyang malunod

At sa pagpikit ko pagkagat ng dilim
Tila isang bangungot sa aki'y gumising
Kumikinang sa dilim ang pangil n'yat ngipin
At ako'y kasama sa pinagbaunang lalim

Pagbabalik II

Masaya akong nagbalik siya,
Mas matindi kaysa matinding lungkot na minsang nadama
Kub-kob man sa dilim yaring mga mata
Sa puso'y malinaw 'tong nakikita

Nalulugod akong muli n'yang susubukan
Na magbalik sa pugad niyang kinalakhan
Matapos hamukin ng unos at ulan
Lumipad siyang pabalik sa tahanan

Gayo'n pa ma'y may hatid na liungkot ang kanyang pagbabalik
Kahit pa kinitil nito aking pananabik
Pinaalala kasi nito kung paanon s'ya humalik
Sa kataksilang sa puso'y minsang tumimong tinik.

_vhanfire

Hindi ka na Panaginip

Pinilit kong managinip para makita ka
Dahil doon lamang kita nakakasama
Subalit nanaginip akong mag-isa
At kahit saan anino mo'y wala

Pinilit kong iguhit sa isip
Ang kagandahan mong 'di malirip
Subalit natapos ang aking panaginip
Kariktan mo'y 'di man lang nahagip



Tumulo ang luha sa aking mga mata,
Wala na ikaw na sa panaginip ko'y nagpapasaya
Kaya't pinasya ko na lang na gumising
At ang tunay na mundo'y harapin

At sa pagpasok ng mga unang liwanag sa aking mga mata
Isang imahe ang aking nakita
Ang babaeng sa panaginip ko'y naglaho
Nagisngan ko na siya sa tabi ko... :)

_vhanfire

Papahilom



Dukit pa ang sugat
Mahapdi
May maliit pang punit
Masakit
Naroon pa ang mantsa
Ng dugo
Ang pagbalik ng alulong
Ng puso
Sa kisame nakapinta
Ang wala
At pilit pinahahalik
Ang hiniga
Nakabalot na ang benda
Makirot
Nakatapal na ang gasang
Walang gamut
Oras na lang ang hinihintay
Magtuos
Sa pagpatong ni mahaba kay maikli
Magtatapos
Bagong umaga na naman
Paparating
Didilat na ba ang mata
O magpipiring
Nakaligtas na sa muntikang
Pagka-uom
Nagsimula na rin

Papahilom.

Flowers Of April



When fangs bite my breath
And beckon for my death
I saw a fall of sleet
And fell venomous teeth

Leaf sprout from fissures
And light strikes so demure
Like valley where drought matures
My soul summons for cure

A slowly close my eyes
And everything is out of sight
My spirit calls his vice
To take with me on flight

And when I reached the sky
There grows my memory
Scented and hanged so high
Subdued by stupidity

Finally I reckon my will
There’s no such big deal
Everything is futile
Except the reminisce of the flowers of April

Nakakalanta ang iyong Luha



Inalayan kita ng rosas upang mapasaya ka
Subalit bakit luha ang isinalubong sa kanya
Ang pula nitong kulay unti-unting nawala
Nang tumulo ang luha sa taluyot niya.

Gusto kitang akapin at tanungin kung bakit
Subalit sa pagkakatayo’y hindi makalapit
Ramdam na ramdam ko, dinadamang sakit
Subalit ‘di matukoy sa’n nagmula ang pait

At nang makita na kristal mong mga mata
Tila pumanaw katinuan at gunita
Tanging ibig ko ang ika’y mapahinto
Sa iyong pagluhang dumudurog sa puso

Lumapit ka sa akin at akapin mo ako
Pumanaw ang liwanag sa aking paningin
Nang maramdaman ko ang mga labi mo
Ay mainit-init pang lumapit sa akin

Naglaban ang habag, pagtataka’t ligaya
At ang pagwawagi ay hindi ko na nakita
Hinila ka na kasi sa kamay ng isang lalaki
Tanging luha mo na lang ang naiwan sa aking pisngi

Unti-unting naluoy ang taluyot ng rosas

Nakakalanta ang iyong luha, tila hangin ng tag-lagas

Maling Panahon


Hindi ito ang panahon para sa ating dalawa
Hindi ito ang panahon para ibigin ka
batid kang ang puso mo ay mayroong iba
Ngunit bakit nga ba hindi na lang ako s'ya?

Tinatanong ko rin kung sinong dapat sisihin
O kung may dapat ba o 'wag na lang sagutin
Pagkat sa huli ay tayo at tayo pa rin
Ang dapat magtakda, ang dapat tanungin

Kung sakali mang pagsuyo'y lumaon
Dili kaya'y mamatay, sa limot mabaon
Nais kong sambitin ito sa iyo ngayon
Masaya akong umiibig sa iyo sa maling panahon.

DUYAN


Sumakay s'ya at sumipa sa lupa
Upang ang pag-ugoy ay magsimula
Tunay na mahirap ito sa umpisa
Subalit pawi ang pagod 'pag lumilipad ka na

Humampas ang hangin at dala'y ligaya
Subalit pinasok ng alabok ang mata
Datapwa't tumulo yaring mga luha
Nagpatuloy pa rin sa pag-ugoy niya

Sa pag-aakalang maaabot ang langit
Ugoy ay nilaksan upang 'to'y masapit
Ngunit kabiguan lang ang natamo
Pawis, pagal at baga'y nahapo

Sa pag-aakalang wala nang katapusan
Hinayaan na lang umugoy ang duyan
Unti-unting humina subalit 'di tumigil
Nakatulog siyang may impit na ngiti't pawis na butil

KAGABI


kagabi'y kasiping ka sa kama
nakaakap, nakangiti't masaya
kagabi'y mundo nati'y iisa
tigib pagmamahal pusong sumisinta

kagabi'y ako lang at ikaw
wala sila, o kahit sinong sa oras nati'y numanakaw
kagabi'y nahimlay ako sa piling mo
at natupad lahat ng pangarap ko

kagabi'y hiniling kong manatili na lang sana
ang ganoong katamis na eksena

subalit sa pagtatapos ng kagabi'y muling babangon ako
haharapin ang sikat ng bagong umagang nagsasabing wala ka na

dahil kagabi sa aking pagtulog ay napanaginipan kita
at doon lang' tanging doon lang tayo pwedeng magkasama..

:(


Abo




Matapos magbaga, magningas, at umusok abo ka nang sa hangin ay lalahok. Natatandaan mo pa ba ang himagsikan? Ang mga alulong ng pusong kumakawala sa pagkasiphayo at nagnanasa ng kalayaan? Malayo na ang nalakad ng kalendaryo matapos ang mga gabing puno ng bomba at putukan.
Kinatas ka’t  pinanday sa balangkas mong tunay na kapakipakinabang. Nilalang at pinaunlad upang ang utak nila’y magkatulay. Binuo kang sing bagsik ng lason at sing banayad ng pang gabing alon. Sisidlan ka ng puot at galit ng mga maghihimagsik at pinaglulanan ng matatamis na damdaming para sa Inang bayan.
                Ilang botelya bang tinta ang naubos na upang mangusap ka? Sina Balagtas at Rizal, naaalala mo pa ba? Kinalimutan ka na nga ba ng mga baguntaong lalang ng modernisasyon?, hindi naman siguro-
                Katulad kung paanong nilunod ng Amerika ang pagka-Pilpino ng mga katutubo nating mga nuno, ang A(ah) ay apple pa rin magpasahanggang ngayon at ball pa rin ang B(ba). Noon pa may pinangarap ko ng maging atis na lang sana ang A(ah) na kabisado ko ang lasa o bayabas ang B(ba) na paborito ng aking dila. Siglo na ng pag-gunaw subalit ang leksyon noong tagsibol ay s’ya pa ring turo ngayon.
                Katulad ng panambitan ng nalimutang iniibig, dinig na dinig ko kung paano ka manangis. Hindi ka nakalimutan ng mga dilang iyong inaruga o umaruga sa iyo. Tulad ng bukiring pinunlaan mo’t pinanagana, ikaw pa rin ang sasambitin ng dila nila; ang wikang hinulma ng  kapwa at nuno, para sa lahat ng dugong Pilipino.
                Ngayo’y lumipad ka sa hangin at manasok sa kan’lang mga baga. Ikaw ang abong muling magpapalaab sa natutulog naming pagmamahal sa Inang bayan at sa kanyang wika.
                Namulat sila na ang musika sa tenga ay ikaw ang letra. Sa bandang huli, magbabalik sila sa kandungan mo. Muli nilang mauulinigan ang matatamis na salitang minsan nilang winika gamit ang mga salitang sa iyo nagmula. At kapag sumapit na ang pagkarawal, pakinggan mo, hindi ako papalya at mauulinigan mong muli nilang sasambitin ang mga katagang “paalam bayan ko”. Kalian ma’y hindi nila matatanggap na mas mabuti ang pamamaalam katulad ng “goodbye” na turo ng dayuhan.

Love Story



_vhanfire

I want to write a love story
Of hearts far from melancholy
With wines and roses in ecstasy
Where the only characters were just you and me

That story would tell
How you made me fell
How your charm can turn a hell
Into a heaven, paradise of angels

The conflicts or our tale
Would not lead us both to fail
But would rather bind us more
And pacify our hearts clangour

There I will sing you songs
That I will write for you to belong
You would never hear an elegy
For our love’s bliss will take out agony

Though I couldn’t give you the world
The sun nor moon, but only words
I promise I will not deceive
You’re the only princess whom I will serve

Dear, please don’t expect happy ending
Neither our marriage nor a kissing at the closing
‘Cause if I would to write our own story
That would surely be never ending until eternity…