Salamat sa Pagbisita
Ang site na ito ay para sa tagalog na tula (poem). Ang mga nilalaman ng Blog na ito ay purong orihinal na gawa ng may akda. Ang mga imahe ay maaaring nanggaling sa mga open source na pinagkuhanan. Hindi inaangkin ng may akda ang ano mang imahe. Ano mang isyu hinggil sa mga post ay maaaring idulog sa page na ito. Maraming salamat.
CHECK IT!
This Poem is for You
I was thinking to write the dearest lines
and tell the words to sing for you
The clock counts restlessly, and times--
I got nothing until it's due
Holding my nape, looking downwards
choosing the letters not to spell awkward
Can I write a perfect poem?
I guess I can't, flowers won't bloom
My pen had retched dumb notions
Mute, Spiritless, pale and empty
How can I paint all my emotion
when words coming out are all silly?
I browse for books and Shakespeare's sonatas
Hoping that I can see something to dedicate
to tell how I feel about you dear
but nothing fit, all in despair
I told my heart to write a love
and words i wrote all flew above
Pardon me dear cause all I knew
There's no perfect poem to tell how much
I LOVE YOU SO!
Wedding
when he waits for my yes
and the tears are from bliss
while they wait for kiss
and birds sing a moment like this
when lights seems to be from above
and the notes of organ sing for love
while butterflies turn to dove
and hands of the clock cease to move
when my sheen are like of angels wings
and my feet feels my heart's trembling
while bells rejoice and sing
and my fell remenisence its falling
when my father smile his tears
and in my mind are chasing fear
while his eyes are bright and clear
and seems to long calling me dear
when not only our hands we'll be holding
and the family picture is waiting
while all other wishes are wishing
and my finger is ready for its ring
Until I Can
the vow i uttered in our yesterday,
will always find your heart and not be astray,
coz like the breeze on d bay,
it will always turn back to whom it may,
until i can, i will be yours,
no one can cease even lion's paws
when time come that you'll close me a door,
I'll stand with it on heaven's floor
dear, i just want u to remember this,
i might somehow forget how i said the words,
but the thought is what you wouldn't miss,
coz its engrave n my heart as wound,
until i can, yes it is true
we'll make our own world of two,
it will be forever me and you
but i hope my dear you want it too
the vow will still be a vow to behold
but beholding is far from believing what i told
and believing is not what ill be doing till we grow old
and that would just be a page of my story to fold.
_vhanfire
Ngayong wala ka na
tag-araw ko ngayo'y puno ng lamig
buhat ng 'di na maulaulinig ang iyong tinig
ako'y tila nagluksang tigatig
walang lakas ang tuhod sa kanyang pagtindig
kahapo'y ikaw ang ligaya
ngayo'y dala mo ay luha
mahiraap palang masanay na nandito ka
nakakapanibago ngayong wala ka na
binalak ko noon ang aking bukas
kasama kang magbibilang ng bagong umaga
subalit kasabay ng taglagas
lahat ng balakin ay nawala bigla
sa iyong paglisan nasanla ang puso
sa pighati't sakit na pinagsilu-silo
wala namang masisi na lilo
kundi ang tadhanang sa ati'y naglayo
paano na ngayon ang aking daigdig
na ikaw ang init hangin at ang tubig
ang plumang hawak na lang ang 'di nauumid
mula nang tumigil ang puso sa pagpintig
Liwanag at Seda
Hihinto sumandali ang sasakyan, dadamba ito sa humps. Matapos dumamba
ng huli nitong gulong tila nakapaprogram na akong titingin sa bintana ng jeep.
Hindi naman sa paborito ko ang mahabang upuan sa likod ng driver, sa tabing ito
kasi naroon ang bahay na palagi kong tinitingnan kapag nadadaanan ng biyahe
pauwi sa amin. “Click” medyo mabagal ang takbo ng jeep kaya tila nasagap ng
malakas kong pandinig ang tunog ng automatic na ilaw nang nabuhay ito sa
pagdaan ng jeep na sinasakyan ko. Yon mismo ang inaasahan ko. Natutuwa ako,
gusto ko ng ganong ilaw sa bahay namin. Yung kusang nabubuhay pag dadating ako
ng alas-onse ng gabi galing eskwela. Bumaba na ako sa kanto kung saan ako
dadaan pauwi at napatingin ulit ako sa bahay, patay na yong ilaw, wala pa kasi
ulit sasakyang dumaraan. Nasa barangay lang naming yung bahay, pero kahit ganon
hindi ko pa yon napapasok, teka bakit ko nga ba papasukin yon? Wala naiintriga
lang ako sa ilaw na alam ko namang matagal nang uso.
Isang gabi, pauwi na ako galing school. Excited na akong dumaan ulit
doon. Mlapait na sa humps at may pumara. Bumaba ang mga sakay, surprisingly,
ako na lang at yung driver ang natira sa jeep. Feeling ko tuloy, arkilado ko
ang byaheng yon. “Bugs, broom,bugs” dumaan na sa humps, kaya bumangla na ako sa
bintana. Hindi nabuhay ang ilaw? Napatingin ako sa ibang bahay sa kabilang
kalsada, may power naman. Naiinip na ata si driver, panay ang tingin sa salamin
sa itaas eh, siguroy itinatanong kung kalian ako bababa para makauwi na sya,
nilalamig na siguro. Lumagpas ang jeep at hindi na nga nabuhay ang ilaw, tsk,
bakit kaya? Malapit na sa kantong binababaan ko ang jeep at si manong driver
panay parin ang simpat sa akin sa kanyang salamin, “wag kang mag alala manong
sa kanto e bababa na ako”. Gusto ko sanang sabihin yon eh. Nag sindi sya ng
sigarilyo at nagjacket, nilalamig siguro, hindi naman masyadong malamig noon.
“Manong sa
kanto lang ho” sabi ko. Pero imbes na mamreno e humarurot pa ang jeep.” Manong
sa kanto lang para na para! Hindi tumigil si manong at panay ang tingin sa akin
sa salamin. Hindi ko alam kung matatakot ako o ano, lalaki naman ako, hindi nya
ako pwedeng reypin. Bago ko pa nahalata nasa tapat na kami ng simbahan ng
barangay namin, tumigil na ang jeep. May daan naman dito papunta sa amin kaso,
gubatan. Magrereklamo na sana ako kay manong nang lumingon syang maluha-luha.
“Mula nang bumaba ang mga pasahero at ikaw na lang ang sakay ko may
katabi ka nang babae, nakaakap sa iyo. Pagdating sa may kanto na pinaparahan mo
nang tiningnan kita sa salamin wala kang ulo at akap ka pa rin nang babae.
Pumunta ka sa simbahan kumuha ka ng kahit ano dyan, krus, bulaklak, o bibliya,
ihahatid kita sa inyo”.
Hindi na ako nakapagsalita noon at sinunod ko na lamang si manong
driver. Bumalik ang jeep sa kantong nilampasan namin at inihatid ako paloob sa
lugar namin. Dala-dala ko ang krus na galing simbahan, nagulat ako ng magbukas
ang ilaw sa terries. Bumukas ang pinto. “Ano yang dala mo?” tanong ng aking
ina. “Krus ho.” Tugon ko. Nginitian nya lang ako. Hindi ako makatulog noong
gabing iyon. Nabagabag ako, ano bang nangyari?
(itutuloy...)
(itutuloy...)
Kahon
‘di
ko na matatanaw ang buwan
Ang
mga bituin sa kalangitan
Ang
lamig ng hanging nakasanayan
Ay
hindi ko na rin nararamdaman
Napupuno
ng dilim ang daigdig
Na
minsang nagliwanag sa iyong pagdating
Wala
na rin ang masasayang awitin
Na
dati ay kinawiwilihan kong kantahin
Ang
lahat ngayon sa akin ay wala na
Ang
hangi’y matipid na rin kung bumisita
Ang
mga ngiti animo’y anino
Sa
pagpanaw ng liwanag ay naglaho
Akoy
tila regalo at ikaw ang laman
Na
misang iningatan at pinorotekhan
Nang
akoy was akin upang makuha ka sa’kin
Kahon
na lamang akong puno ng panimdim
Paghihintay
Maaga
akong nagising upang hintayin ka
Patingkayad
akong namangko sa azotea
Kasama
ang isang lamesa’t dalawang silya
At
dalawang umaasong maiinit na tasa
Humapdi
na ang pilantik ng araw
Subalit
wala pa ring natatanaw
Naiig’han
na ng tubig ang balintatanaw
Sa
paglinga linga kung dumating na ikaw
Umihip
na ang mainit na hangin
At
nagliliparan na ang ibon sa papawirin
Abala
na rin ang mga bukirin
At
ang mga tasa’y naghihintay parin
Hanggang
sa magtakip silim
Nilalamon
na ang paligid ng dilim
Tanging
naiwan ay pagkadismaya at inis
Kasama
ang kapeng iniwan na ng init at tamis
Pa'no Ko Sisimulan?
Mabuti
pang magbasa, ng isang istorya
Na
masasatitik, sa puting pahina
Bulag
man at bingi, ang mga salita
Magaling
na yaon, pagka’t walang luha
Magaling
pa kayong, mga mambabasa
Na
‘di tumatagos, sa aklat ang mata
Pawis
man at laway, namin ay maiga
Iguguhit
pa rin, ang inyong ligaya
Paano
kung ‘di na, umiihi ang pluma?
Ng
tinta na dugo, kahit hindi pula
Pa’no
‘pag nawala, ang init at lansa
Buhay
na emosyon, tiyak mawawala
Pa’no
ko sisimulan, yaring aking kwento
Na
ang tanging tao, ay ikaw at ako?
Kung
kasawian na, ang siyang tinamo
Kung sinakal mo na, yaring panulat ko?
Kung sinakal mo na, yaring panulat ko?
Patawad
Hinalikan kita, napapikit ka
At ako'y namulat sa pagmamahal mo sinta
Sinigawan kita, natahimik ka
At narinig ng puso ko, kung ga'no ako sa'yo kahalaga
Nagtampo ako, nanuyo ka,
Mas malambing sa pagsuyo ko sa iyo noong pinasagot kita
Lumisan ako, lumuha ka
At doon bumalik sa aking gunita
Kung gaano ako kasaya, sa mga kahapong kasama kita
Lumayo ako, naghanap ka
At noon ko nakita na mahal nga kita
Kaya bumalik ako, pero wala ka na
Pagsisisi lang ang aking nadama
Hinanap kita, may iba ka na
Ngayon ang tanong ko
hahayaan, o babawiin pa ba kita?
Ikalawang Kabanata
Sumilip ang hangin
sa pagitan ng siwang ng mga dingding
Napayid ang
pahina, binuklat ang bagong kabanata
May batik na pula;
Luha; ang unang pahinang garing
Na kapag hinugasan
ng tubig masisira; mawawala ang istorya
Ang sakit ay sa
kahapon, at sa nakalipas na lang
Ngiti na ang
hinahanap ng aking labi sa bukas na darating
Umibig ako, umasa,
nabulag nagpabaya, hindi ko napigilan
Ipinahawak ang
puso ko sa kamay mo nang ika’y mahalin
Ilang tulog ang
aking ginawa sa pag asang
Ayos na ang lahat
sa aking paggising
Malalim man ang
sugat mong nagawa
Ang nakaraa’y
nakaraan na lang sa atin
Hindi ko pa
tinatapos ang kwentong ating nasimulan
Subalit ang
pagpapasakit sa sarili ay sapat na
Hindi ko
ipinipinid ang pinto para sa ano man
Subali’t ang lahat
ay nasa bago at ikalawa nang kabanata
Tunay na mapalad
Ngiti at ligaya, mapalad na bata
Kalungkuta’y wala, sa puso mong mura
Hindi binibilang, tinigis na luha
Ng yong kaluluwang, hinango sa dusa
At pinaliguan ng poong dakila
Sa batis ng gali, sa sagradong lawa
Sa mga mat among, animo’y bituin
Ang kurba ng labi, at labas ng ipin
Mga hagikhik mo na may dalang lambing
Ay sya ring nasa kong lagi ay kamitin
Sa tuwi-tuwina, ay inadalangin
Iyong bahagian ang diwa’t panimdim
Sa ugoy ng duyan, na ikaw ang lulan
Sa hampas ng hangin na may kalamigan
Sa tapak ng paa mo sa damuhan
Sa awit ng ibon sa iyong ulunan
Naglinaw ang langit sa kaitaasan
Sa lilim ng puno ay may kagalakan
Mapalad ka bata, sapagkat mahal ka
Higit kanino man n gating bathala
Sa mga halakhak ng puso mo’t mata
Wala ang bagabag sa daraang sigwa
Walang pag-iisip sa mga problema
Tunay na mapalad ang mumunting bata
Anay at Tingga
Mayabang na anay ang sentro ng madla
Kaya daw ngatain ang matigas na tingga
Na gawa sa libong siphayo’t dalita
Kulob ng busabos na nasa’y makalaya.
Ang kalawang daw ay daig pa niya
Kaya’t ipinutong sa kanya ang korona
Tulad ng mga anay na sa kanya’y nauna
Ipin ang naubos, tingga ay natira.
Babae
Hinubad ang damit, subalit naghanap
Ng pampakli ditong, may higit na saklap
Nangiti subalit, ang luha’y kinalap
Sa paa’y dnilig, sa iisang iglap
Mula sa imaheng, kabigha-bighani
Puyos ka ng lihi, na dnidiskubre
At sa bawat puso, ng mga lalaki
Malabis kung ikaw, ay ipagkapuri
Ang turing sa iyo, ay reyna ng lahat
Sa ilang, sa patag, kalawaka’t dagat
Sa isang tingin mo, ay sumasambilat
Ang gimbal na hindi, nasang nailapat
Mga panangis mo’y tila isang lason
Na pinipigilang, mamatha’t matapon
Sapagkat ang lahat, ng bangis ng leon
Ay kayang kitiling wala sa panahon
Ika’y isang rosas, sa harding matingkad
Na inaabangan, ang pamumukadkad
Dusang binubuno, pagtingalang-pugad
Panag-uubusan, ng lakas at tatag.
Liwaliw
Halika katoto, at manaog tayo
Sa isang huwad at nakukubling mundo
Kung saan lahat ng ating mg gusto
Isang iglap lang at nagkakatotoo
Aking kaibigan, tayo ay lumipad
Sa himpapawid ay tayo’y maglalayag
Hayaan natin kung saan mapapadpad
Iwanan ang takot at pagkabagabag
Tayo na doon sa malawak na hardin
Ng mga bulaklak, at mga bituin
Kung saan ang abot, ng iyong paningin
Ay ang paraiso, masayang tanawin
Sa pagtakas natin sa kilalang lupa
Ating maabot, rurok ng ligaya
Mamalagi doon, ninanasa
Ngunit babalik din kung saan nagmula
Kaya’t kaibigan, isang hirit pa nga
Samahan mo ako at babalik kita
Sindihan mo na at pausukin mo pa
Kinuyom na dahon, nitong marijuana.
Pa'no Ko Sisimulan
Mabuti pang magbasa, ng isang istorya
Na masasatitik, sa puting pahina
Bulag man at bingi, ang mga salita
Magaling na yaon, pagka’t walang luha
Magaling pa kayong, mga mambabasa
Na ‘di tumatagos, sa aklat ang mata
Pawis man at laway, namin ay maiga
Iguguhit pa rin, ang inyong ligaya
Paano kung ‘di na, umiihi ang pluma?
Ng tinta na dugo, kahit hindi pula
Pano pag nawala, ang init at lansa
Buhay na emosyon, tiyak mawawala
Pano ko sisimulan, yaring aking kwento
Na ang tanging tao, ay ikaw at ako?
Kung kasawian na, ang siyang tinamo
Kung sinakal mo na, yaring panulat ko?
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)