Salamat sa Pagbisita
Ang site na ito ay para sa tagalog na tula (poem). Ang mga nilalaman ng Blog na ito ay purong orihinal na gawa ng may akda. Ang mga imahe ay maaaring nanggaling sa mga open source na pinagkuhanan. Hindi inaangkin ng may akda ang ano mang imahe. Ano mang isyu hinggil sa mga post ay maaaring idulog sa page na ito. Maraming salamat.
CHECK IT!
Maling Panahon
Hindi ito ang panahon para sa ating dalawa
Hindi ito ang panahon para ibigin ka
batid kang ang puso mo ay mayroong iba
Ngunit bakit nga ba hindi na lang ako s'ya?
Tinatanong ko rin kung sinong dapat sisihin
O kung may dapat ba o 'wag na lang sagutin
Pagkat sa huli ay tayo at tayo pa rin
Ang dapat magtakda, ang dapat tanungin
Kung sakali mang pagsuyo'y lumaon
Dili kaya'y mamatay, sa limot mabaon
Nais kong sambitin ito sa iyo ngayon
Masaya akong umiibig sa iyo sa maling panahon.
DUYAN
Sumakay s'ya at sumipa sa lupa
Upang ang pag-ugoy ay magsimula
Tunay na mahirap ito sa umpisa
Subalit pawi ang pagod 'pag lumilipad ka na
Humampas ang hangin at dala'y ligaya
Subalit pinasok ng alabok ang mata
Datapwa't tumulo yaring mga luha
Nagpatuloy pa rin sa pag-ugoy niya
Sa pag-aakalang maaabot ang langit
Ugoy ay nilaksan upang 'to'y masapit
Ngunit kabiguan lang ang natamo
Pawis, pagal at baga'y nahapo
Sa pag-aakalang wala nang katapusan
Hinayaan na lang umugoy ang duyan
Unti-unting humina subalit 'di tumigil
Nakatulog siyang may impit na ngiti't pawis na butil
KAGABI
kagabi'y kasiping ka sa kama
nakaakap, nakangiti't masaya
kagabi'y mundo nati'y iisa
tigib pagmamahal pusong sumisinta
kagabi'y ako lang at ikaw
wala sila, o kahit sinong sa oras nati'y numanakaw
kagabi'y nahimlay ako sa piling mo
at natupad lahat ng pangarap ko
kagabi'y hiniling kong manatili na lang sana
ang ganoong katamis na eksena
subalit sa pagtatapos ng kagabi'y muling babangon ako
haharapin ang sikat ng bagong umagang nagsasabing wala ka na
dahil kagabi sa aking pagtulog ay napanaginipan kita
at doon lang' tanging doon lang tayo pwedeng magkasama..
:(
Abo
Matapos
magbaga, magningas, at umusok abo ka nang sa hangin ay lalahok. Natatandaan mo
pa ba ang himagsikan? Ang mga alulong ng pusong kumakawala sa pagkasiphayo at
nagnanasa ng kalayaan? Malayo na ang nalakad ng kalendaryo matapos ang mga
gabing puno ng bomba at putukan.
Kinatas
ka’t pinanday sa balangkas mong tunay na
kapakipakinabang. Nilalang at pinaunlad upang ang utak nila’y magkatulay. Binuo
kang sing bagsik ng lason at sing banayad ng pang gabing alon. Sisidlan ka ng
puot at galit ng mga maghihimagsik at pinaglulanan ng matatamis na damdaming
para sa Inang bayan.
Ilang botelya bang tinta ang naubos na upang mangusap
ka? Sina Balagtas at Rizal, naaalala mo pa ba? Kinalimutan ka na nga ba ng mga
baguntaong lalang ng modernisasyon?, hindi naman siguro-
Katulad kung paanong nilunod ng Amerika ang
pagka-Pilpino ng mga katutubo nating mga nuno, ang A(ah) ay apple pa rin
magpasahanggang ngayon at ball pa rin ang B(ba). Noon pa may pinangarap ko ng
maging atis na lang sana ang A(ah) na kabisado ko ang lasa o bayabas ang B(ba)
na paborito ng aking dila. Siglo na ng pag-gunaw subalit ang leksyon noong
tagsibol ay s’ya pa ring turo ngayon.
Katulad ng panambitan ng nalimutang iniibig, dinig na
dinig ko kung paano ka manangis. Hindi ka nakalimutan ng mga dilang iyong
inaruga o umaruga sa iyo. Tulad ng bukiring pinunlaan mo’t pinanagana, ikaw pa rin
ang sasambitin ng dila nila; ang wikang hinulma ng kapwa at nuno, para sa lahat ng dugong
Pilipino.
Ngayo’y lumipad ka sa hangin at manasok sa kan’lang
mga baga. Ikaw ang abong muling magpapalaab sa natutulog naming pagmamahal sa Inang
bayan at sa kanyang wika.
Namulat sila na ang musika sa tenga ay ikaw ang
letra. Sa bandang huli, magbabalik sila sa kandungan mo. Muli nilang
mauulinigan ang matatamis na salitang minsan nilang winika gamit ang mga
salitang sa iyo nagmula. At kapag sumapit na ang pagkarawal, pakinggan mo,
hindi ako papalya at mauulinigan mong muli nilang sasambitin ang mga katagang
“paalam bayan ko”. Kalian ma’y hindi nila matatanggap na mas mabuti ang
pamamaalam katulad ng “goodbye” na turo ng dayuhan.
Love Story
I want to write a love story
Of hearts far from melancholy
With wines and roses in ecstasy
Where the only characters were just you and me
That story would tell
How you made me fell
How your charm can turn a hell
Into a heaven, paradise of angels
The conflicts or our tale
Would not lead us both to fail
But would rather bind us more
And pacify our hearts clangour
There I will sing you songs
That I will write for you to belong
You would never hear an elegy
For our love’s bliss will take out agony
Though I couldn’t give you the world
The sun nor moon, but only words
I promise I will not deceive
You’re the only princess whom I will serve
Dear, please don’t expect happy ending
Neither our marriage nor a kissing at the
closing
‘Cause if I would to write our own story
That would surely be never ending until
eternity…
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)